Regrets.

Nakaramdam ka na ba nito? Naranasan mo na bang magsisi sa isang pangyayare na dapat hindi mo ginawa in the first place?. Regretting something is like forgetting things you don’t wish to remember anymore. Isa ito sa ayaw ko maramdaman sa lahat. 

I don’t want to regret anything from my actions or even my decisions but then sa mga nangyayare sa akin this past few days gusto ko magsisi sa isang desisyon na ginawa ko sa buhay ko ay ayun ang tanggapin pa ulit siya sa buhay ko. I’m thankful yet yung feeling na nagsisisi ka talaga, nakakaen yun ang pagiging thankful ko sa kanya. 

Nagsisi ako kung bakit pumayag pa ako na magsimula ulit kami, Nagsisi ako kung bakit naniwala pa ako sa kanya, sa mga salita at pangako niya na sa simula palang hindi na talaga niya gagawin. I don’t know, nawala na talaga ang tiwala ko sa kanya. Ako pa naman yung tipong sobra sobra magbigay ng tiwala kahit na may nagawa siyang ganito na nasaktan ako, ang bilis bumalik ng tiwala ko. Masyadong makapit ang Trust ko sa tao. Ako kasi yung tipong pag magaan loob ko sayo, start na yun ng pag build ng trust ko sayo, mabilis kasi ako magtiwala lalo na sa mga taong magaan loob ko. 

I guess, that’s one of my mistakes that i need to improve. Don’t give your full trust to anyone except God.Mahirap pala talaga ibalik ang trust kapag may lamat na, may doubt na sa taong yun. Ang tanga ko kasi kahit may lamat na, sige parin ako ng ayos pero sa sobrang pag-aayos ko nasira lang pala lalo. 

i don’t even like this feeling. REGRETS.  

(Source: akosijanabanana)


Sunday, November 20th, 2011 @ 4:05 PM ♥185 notes | Permalink
Notes: 185 notes
Tagged as: Personal, Regrets, Tiwala, Topic, Damn life, Never give your full trust again,
Posted On: Sun, Nov. 20, 2011
  1. janabeb posted this

forever by yelle | powered by tumblr