I'm too HOT to handle

It's not about you, it's about me.



I love cars. I hate barbies.I love pants. I hate skirts. I love chocolates. I hate coffees. Sure thing, i have a weird taste of something. I'm unique coz i'm weird.

Peer Pressure

Naranasan nyo na ba to? Yung i-pressure kayo ng mga kaibigan mo dahil ikaw na lang ang walang boyfriend or date? Yung tipong nasa isang circle of friends lang kayo nung nanliligaw sayo at ikaw. Bawat kilos mo at kilos niya, inaasar kayo. 

yung tipong ikaw na lang lagi ang pinapansin at tinatanong about sa love life mo. Kung may nanliligaw ba o nagugustuhan. Minsan binubugaw ka pa nila sa mga kai-kaibigan nila para may makilalang ibang tao. Para may masabing may date ka or boyfriend ka. 

Mahirap dahil kahit ayaw mong magpaasa ng tao, napapaasa mo dahil sa mga asaran ng kaibigan mo sayo. Umaasa siya na baka madaan ka sa asar ng mga kaibigan mo sa kanya. Kaso di ba? Ang sakit naman sa Ego ng lalake or even babae kung na pressure ka lang sa mga kaibigan mo na ligawan mo siya o sagutin mo siya di ba? 

Ang sakit dahil sinagot ka niya dahil napressure lang siya, at ang sakit dahil niligawan ka lang dahil sinabi ng kaibigan niya. Kaya, kapag ganyan, wag na wag magpapadala sa asar ng mga kaibigan mo, isipin mo kung ready ka na talaga o talagang gusto mo yung tao. 

Masakit Umasa, mapaglaruan at ma-take advantage ng isang tao na napilitan dahil sa tulak ng kaibigan. 

(Source: janabeb)