Laziness.
Eto ang sakit ko ngayon. I don’t know. This week nagiging tamad ako, tamad pumasok sa OJT ko. Naiinis na ko kasi, talagang ayaw sumunod ng katawan ko, hindi ako nagigising ng maaga. Laging late, eh 1 hour byahe ko papuntang paranaque.
After this week, i will not entertain this feeling anymore. Hindi pwede ang ganito, hindi ako pwede maging tamad lalo na graduating na ako. Ang hirap naman kasi, isa na lang subject mo tapos puro OJT ka na, yung OJT mo naman ang boring boring. Hindi ko gusto yung napasukan kong OJT. Buti na lang mabait yung Boss ko dun at okay lang kahit hindi pumasok araw araw.
Pero di ba? Sayang yung matutunan ko dun. TSK. Sayang talaga. eh kaso nga lang, ang ginagawa ko lang naman dun, taga sagot ng tawag, taga tawag, taga fax, taga Scan. Jusme. Ayaw nila ako ipahands on sa pag book ng flights eh yun nga ang gusto ko gawin. Kaloka.
This monday mawawala na tong sakit kong to. Taga ko sa bato.
(Source: janabeb)