Utusan.
Alam niyo yung feeling na ginagawa kang utusan dito sa bahay? yun ang nafefeel ko ngayon. Porket ba nakikita niyong wala akong ginagawa pwede ng gawing utusan niyo? Jusme ha. pati pagsagot ng phone ako pa. Alam niyo yung nasa 2nd floor ka at nasa dulong room ka pa. Kapag nagring ang phone kahit katabi lang niya yung phone, tatawagin ka pa para lang sagutin yon?
Hindi ko alam kung excuse nila na “Para sayo naman yang tawag na yan eh, kaw lang lagi tintawagan dito.” OO alam ko, ako madalas tawagan dito sa bahay pero, pwede ba? paki suyo naman na sagutin ang phone? Nasa taas ako, dulo ng kwarto tapos ikaw katabi mo lang halos yung phone, di mo pa masagot? Nagagalit pa dahil ang bagal bagal ko daw sagutin. Bwiset di ba?
Manunuod ng DVD, nasa harapan lang ang TV and yung DVD. Ako pa uutusan na buksan ko daw ang TV, DVD at isakisak yung CD. Jusme. HARAP MO NA LANG OH? Tatayo ka lang at isasak-sak mo lang tapos na. Tapos akong nasa kabilang kwarto, iistorbohin niyo? kapag hindi ko sinunod sasabihin niyo ang tamad ko? KALOKA HA!
Magsaing daw ako, maghugas daw ako. tokneneng, ako lagi. tapos yung dalawa kong pinsan na walang ginagawa hindi inuutusan. Nasa harap at katabi niya mga pinsan ko tapos akong nasa kwarto lang sa taas, ako pa ang tatawagin. JUSME HA! Favorite talaga????!
Kulang na lang may extension ng phone sa kwarto ko at bawat kilos, mag be-beep na sasabihn. “Oh jana, hugas na.” “Oh jana, magsaing na.” “Oh jana, nagriring yung phone, sagutin mo.” Blah blah.
Pati pag-abot ng remote, bags, and everything na gamit nila ako pa. “Ate, asan yung notebook ko?” “Ate, asan yung phone ko? Paabot nga.” ‘Oy len, nakita mo ba yung charger ko?”
Ano ba ko sa bahay nito? Customer service? maid? Lost and found section? GRABE HA! tapos magagalit kapag hindi ko nagagawa ang utos nila. Sarap batuhin ng mga tsinelas ang mga tao dito sa bahay. Kulang na lang tatawgin nila akong. “MUCHACHA” eh. Kagigil ha.
Sino ba ang tamad dito? Ako o kayo?
(Source: janaBEB)