Friends.
Iba talaga kapag may kaibigan ka na lagi mong nakakasama, nakakausap at naiintindihan ka kapag may problema ka. Yung feeling na lagi silang andyan kahit hindi mo sila kailangan. Kahit di mo sabihin na may problema ka, alam na nila at inaantay ka na lang nila mag open up.
Pinapatawa ka dahil alam nilang malungkot ka. Kapag heart broken ka, niyaya ka nila sa mga party. Bubugaw ka nila sa mga lalaking kakilala nila. Dadalhin ka sa lugar na gusto mo.
Ang kaibigan hindi lang naman kapag may problema ka anjan sila eh. Even in your happy moments andyan din sila, siguro di mo lang na appreciate pero pansinin mo. Mas mahaba ang time na kasama mo sila na masaya ka kesa malungkot ka.
Appreciate what you have. Hindi naman sa lahat ng oras andyan ang friends mo para dumamay sayo. Minsan may time na kelangan mong mag depend sa sarili mo para makatayo hindi palagi sa kaibigan.