Tuesday.
A great day to start of my week. HAHAHA I’ve been to school like, 1 hour and then off to maine’s house for bonding! isang subject lang kasi ako and its every tuesday and friday so ayun kesa umuwi ako ng maaga, gumala muna ako.
Pumunta kami sa vito cruz to see our new tambayan. Its a new built coffee shop across the Torre Lorenzo. Basta don. First, dumaan muna kami sa condo ng tita maine para tumambay, aantayin kasi namin yung isa pa naming friend para sabay sabay kami pumunta. So, after an hour waiting for our friend with her cousin na friend din namin, dumiretso kami sa coffee shop. Ang cute lang and i like the ambiance of the shop, cool and chill and maganda ngang pagtambayan. HAHAHA
It’s my first time so hindi ko pa alam ang ioorder ko kaya naman nagpaorder na lang ako kay maine tutal pangalawang beses na siyang nakapunta. So, i ordered Oreo Frapp. Si maine ang umorder, may binigay sa aming number na napa “WOW” ako. HAHA naka computer gadget something yung number, parang USB siya na may nakalagay na electronic number dun at kapag okay na yung order mo, mag vibrate na lang yun. Astig no?
So dumating na yung order ni Maine, antay lang kami nung sa akin dahil same kami ni maine ng Order. After 15 minutes i guess? Wala pa din at napansin ko wala na pala yung electronic number na nasa desk tinanong ko si maine.
ME: Asan na yung Number natin? Wala pa yung akin.
MAINE: kinuha na ni kuya eh.
So, nagintay pa kami ng konti baka mamaya okay na. Eh kaso, tinignan ko yung mga barista don na wala namang ginagawa kaya nagtaka ako. Asan na yung order ko? tinignan ko yung Resibo at nanlaki mata ko. TAKTE. Isa lang pala na order ng magaling kong kaibigan. Tumawa na lang kami dahil nagmukha kaming tanga kaka-antay yun pala wala kaming inaantay.
Hindi na ako umorder kasi tinamad na ako. So, inasar namin tatlo si maine na kakain na lang kami sa iba. HAHAH Nainis kasi ubos na pera niya so, inasar pa namin lalo. Ang ingay namin sa Shop kaya kanina pa kami tinitignan nung mga barista sa harap namin. Bakit ba? May nakalagay ba na bawal magingay? wala naman di ba? HAHAHA
and the rest is history. Lumipat kami sa Noriter sa taas ng Tapa king sa Vito cruz, i like the concept of the shop. Ang cute lang. parang coffee shop talaga siya na vintage ang dating. HAHAHA. Tapos yung kwento kwentuhan lang.
(Source: janabeb)