May mga tao talagang lumalaki ulo kapag napupuri ng ibang tao.
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)

Ang Isang NGITI maraming napupuntahan yan. Maaring nakakawala ng pagod, lungkot o di kaya sakit sayo o pati na rin sa ibang tao. Isang paraan para mapakita na masaya ka, okay ka at higit sa lahat makita kang walang problema.
Pero…
Ang ngiti ngayon, madalas makita at ipakita ng mga taong… Nasasaktan na. Yung taong ayaw ipaalam sa iba ang sakit na nararamdaman. Isang paraan upang itago ang masakit na nakaraan. Isang paraan na kahit hindi na niya kaya, kaya niya pa ring ngumiti sa harap ng maraming tao.
Sabi ng iba mas madaling ngumiti kesa maglabas ng sama ng loob. Mas madaling itago sa iba na nasasaktan na siya kesa mag kwento pa. Isang ngiti na maraming ibig sabihin, isang ngiti na akala mo masaya siya pero… Nasasaktan na pala.
Minsan kelangan nating maging sensitive sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi natin alam, ang katabi mo pala may dinaramdam ng sama ng loob. Hindi porket nginitian ka niya eh okay na siya, minsan front act niya lang yon para hindi ka mag-alala. May mga tao kasing mas gusto na lang nilang itago ang sakit na nararamdaman kesa ipaalam pa sa iba. Mas gusto nilang sarilinin ang mga bagay bagay na nakakasakit sa kanila kesa damayan pa sila ng ibang tao. Meron naman na ayaw silang kaawaan kaya ayaw nilang magsalita.
Ang pinapasalamat ko sa lahat ng meron ako eh ang magkaroon ng isang kaibigang katulad mo. Isang kaibigan na maasahan sa lahat ng bagay, kahit sa ups and downs ko eh andyan ka lagi sa tabi ko. Sa lahat ng bagay sa mundo, walang katumbas ang magkaroon ng TOTOONG kaibigan na dadamay sayo. Kaibigan na handang gumawa ng kung ano para mapasaya ka lang, matulungan ka lang. Isang totoong kaibigan na kahit gaano pa ka-weird ang ugali mo eh hinding hindi ka pa din iiwan. Ang kaibigang sasakyan ang mga jokes mo, mga kalokohan mo pero ito rin ang kaibigan na mag-aadvice at magtuturo sayo ng tama o mali.
At hingit sa lahat…
Ang isang kaibigan, hindi ka iiwang mag-isa sa hirap, sa tuwa, sa lungkot at saya.
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)
Listening to too much earthly songs makes our lives be in the hands of evil. Those lyrics that portrays no good to others. Lyrics that talks about Sex, Satan, weeds, smokes and everything has a powerful impact to people especially to the youths.
Akala natin maganda ibig sabihin ng mga lyrics na pinapakinggan natin dahil sa maganda ang beat nito pero hindi ba natin inisip kung ano ba ang nasa likod at ano ang mensahe ng Kanta? Though it’s just a song pero kung i-analyze mo yung mga lyrics, masama ang makukuha mo. Hindi maganda sa pandinig.
Madaling mai-mpluwensyahan ang mga kabataan ng ganito, kahit ako. I’ve been listening to lots of earthly songs but then i realize their lyrics and meanings. Hindi maganda. Kahit lyrics yun, mapakinggan ng minors? kala nila maganda at hindi mali ang ginagawa. They will think na pwede pala yun, ganun pala yun. Dahil ako mismo, na-experience ko na.
Napapasok ang utak natin ng hindi magagandang impluwensya, dun kumikilos si satan. Sa mga kabataan, dahil tayong mga kabataan, we are weak. Madali tayong ma-impluwensyahan ng mga bagay dito sa mundo. Sa mga gadgets, sa mga earthly songs, mga barkada.. bisyo. If we focus our lives to that kind of lifestyle. we tend to forget God, Hindi ka makapag basa ng bible dahil mas inaatupag mo ang paglalaro ng DOTA, o mag facebook. Mas inuuna mo pa ang pakikinig sa Ipod mo kesa magbasa ng Bible.
Kapag may naririnig kang mga Christian Songs you tend to think na “Ay ang corny naman niyan.” . We as Christians, wants those teenagers to know God and mapalapit kay God. Bilang isang nakakakilala kay GOD, we have the responsibility to invite other teenagers and to win their souls na makakilala kay GOD. God give US a freedom to chose what we want to do here in this earth pero for us na nakatanggap at nakilala na kay God, we don’t want others to be left behind, na wala kaming gawin para makakilala siya kay GOD. We don’t want his life and soul na hindi makatanggap at makakilala at syempre sa 2nd coming ni Jesus, we don’t want to see our own relatives or our own friends sa hell di ba? Makita silang naghihirap doon at ikaw wala kang magawa at nagsisi ka dahil hindi mo siya niyaya sa church.
We don’t want that. We must not be too attached to earthly things, dahil kahit anong oras pwedeng kunin yan ni God.
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)
Why can’t we forget those painful memories and make a new happy one’s? Mahirap kalimutan ang nakaraan, lahat naman tayo nagdaan sa ganyan pero how will you moved on if your clinging on the past? Bakit mo hahayaan ang sarili mong masaktan ng paulit ulit sa pag-aalala ng masamang nakaraan kung kaya mo namang gumawa ng masasaya?
Yung tipong magkukulong ka sa kwarto, hindi ka kakain, aalalahanin mo yung mga dating masasayang araw niyo na ngayon, masakit na para sayo. Tino-torture mo ang sarili mo, suicide na yan emotionally.
Oras ang kelangan to heal wounds. Acceptance is a way that will heal those scars in your heart. Erase all those painful memories and make lots of happiest moments. Andyan naman ang mga kaibigan mo to lift you up, parents to motivate you. Wag mo ikulong ang sarili mo sa nakaraan, spread your wings and explore lots of things.
It will bring you a good feeling for sure.
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)
Wag ka kasi masyado mag focus sa MALI. Hindi mo na naa-apreciate yung mabuting ginagawa sayo ng tao. Masyado kang naghahanap ng mapipintas sa taong wala namang ginagawang masama sayo. Alam ko, USO ang opinyon pero di ba? if you have a good opinion. Say it. pero kung pupunahin mo na ang gawa ng tao at magsasabi ka ng masasakit na salita. Pwede ba? ihinto mo na lang?. Why not at least give some appreciation naman sa tao? Imbes na puro pangit na salita or puna ang sinasabi mo, why not suggest or inform mo dun sa tao yung kulang at yung pangit sa kanya? at least s/he know it and maybe, s/he can improve it.
Give some appreciation dude.
(Source: janaBEB)
Andyan na nga ang problema, magpapaliwanag na nga yung tao. Ayaw pang bigyan ng pagkakataon. Paano mo malalaman ang side niya kung ayaw mong makinig sa explanations niya? Maniniwala ka sa ibang tao pero dun sa mismong taong involved ayaw mong magpaliwanag sayo. Paano mo malalaman ang totoo?
Would you listen first on the explanation’s of both sides before you make a conclusion?! hindi yung makikinig ka sa ibang tao tapos ico-confront mo yung involved tapos ayaw mong magpaliwanag sayo. Bakit mo pa ki-nomfront?
Hindi ka kasi marunong makinig ng explanations. Inuna mo ang galit mo, emotions mo bago ka mag isip at magdesisyon.
Tapos, ikaw pala ang mali. Nagsisi ka na di mo pinakinggan ang explanations niya and when you realize your mistake, it’s already too late to make it up.
So listen first before you decide. Listening is the most important thing.
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)
(Source: janaBEB)